Itabi muna natin sandali ang ating mahal na sports na basketball upang bigyang daan ang isang  kasaysayan na dumating sa ating bansa, na makuha ang sobrang mailap na gintong medalya sa Olympics. Siyam naput pitong taon ang inantay ng Pilipinas upang makasungkit ng medalyang ginto sa Olympics at itong Lunes na nga July 26, 2021 ay binasag na ni Hidilyn Diaz na  kanynag nasungkit ang pinaka aaasam-asam na unang ginto para sa Pilipinas. Gumawa na nang kasaysayan itong si Hidilyn Diaz sa larangan ng sports nang kanyang masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa ginaganap sa Tokyo Olympics sa Japan sa pamamagitan ng sports na Womens Weightlifting 55kg.  


Kailangan lang humugot ng lakas itong si Haidlyn upang malampasan itong pambato ng China na si Liao Qiuyun na bumuhat ng 126kg clean and jerk sa kanyang huling round. At nagawa nga ni Diaz na higitan pa ito ng isa pang kilo sa timbang na 127kg upang tapusin sa kabuuang 224kg, lamang ng isang kilo sa 223 ni Liao.  Si Diaz ngayon ay mayroong nang dalawang Olympic medals kasama na dyan ang kanyang silver medal noong sa 2016 Rio de Jeneiro Olympic. Makakasama na nya mayroong din dalawang medalya na ang dating Olympic swimmer Teofilo Yldefonso na may bronze medals noong 1928 at noong 1932 Summer Olympic Games.


Ang tubong Zamboanga ay ang kauna-unahang manlalaro ng Pilipinas na nakakuha ng  gintong medalya sa Women;s Weightlifting 55kg at ito rin kauna-unahan gintong medalya, simula ng sumali ang Pilipinas sa Olympic noong 1924 sa Summer Olympic Games sa Paris.


🥇Hidilyn Diaz (PHI)

🥈Liao Qiuyun (CHN)

🥉Zulfiya Chinshanlo (KAZ)


Ano naman kaya ang naghihintay na premyo kay Hidilyn Diaz bilang kauna-unahang Filipino na nakakuha gintong medalya sa Olympics mula pa noong 1924. Si Hidilyn ay maaaring makatanggap ng 10 million pesos mula sa ating gobyerno, 10 million Pesos mula sa businessman Manny Pangilinan at 10 million Pesos mula kay San Miguel tycoon Ramon Ang at 3 million piso mula kay Deputy Speaker Mikee Romero. Hindi pa kasama dyan ang iba pang makukuha nya sa kanyang bayan na Zambonga at ibat iba pang institusyon sa mapa-gobyerno man o pribado.


watch full video here


Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasa ika-labinganim na pwesto kapantay ang Austria, Ecuador, Hongkong, Iran, Norway, Thailand at Uzbekistan. Samantanlang nangunguna pa rin sa karera ng medalya ang host na Japan, kasunod ang USA, at ang China.  Ilan pang mga atleta natin ang nagaantay pa na makausad at umaasang makasungit ng isa pang medalya sa katauhan ni Boxer Carlo Paalam at women's featherweight Nesthy Petecio.


Alamin kung magkano ang napanalunan premyo ni Hidilyn Diaz sa kanyang napanalunan gold medal sa Tokyo Olympics 2020. 


PRIZE REWARDS will receive by Hidilyn Diaz: 

  • 10 million from the PH Government
  • 10 million from Manny Pangilinan
  • 10 million from Ramon Ang
  • 3 million from Mikee Romero
  • 2.5 Million by Zamboanga LGU
  • House and Lot by POC Pres. Pres. Abraham Tolentino
  • Condo unit gift by Megaworld (worth 14 Million)
  • Lifetime free flights from AirAsia Philippines
  • 4 Million House and lot by Century Properties
  • Foton 13-seater Transvan (Brand new)
  • FREE Fuel by Pheonix Petroleum
  • 80,000 FREE MILES per Year by Philippine Airlines
  • FREE Milk Tea for a year by Cha Tuk Chak
  • FREE Dining Lifetime bu Tipsy Pig
  • Kia Stonic (Brand new)

at marami pang kasunod.


Yan nag update para sa unang gintong medalya na nakuha ni Hiliyn Diaz para sa bansang Pilipinas, bistahin nyo kami muli para naman sa latest sports news and updates.




Post a Comment

أحدث أقدم