Kamakailan lang ay lumabas na ang listahan ng mga finalist para major awards ng NBA at nitong linggo lang ay napili na si Monty Williams bilang 2021 Michael H. Goldberg NBCA Coach of the Year award. Si Williams ay ang karapat dapat makakakuha ng award na ito, dahil sa pagkakakuha ng kanyang team na Phoenix Suns sa ikalawang pwesto  sa Western Conference (51-21). Nakalaban niya sa coach of the year award sina Tom Thibodeau at Quin Snyder para sa nasabing award. 

Silipin natin ang isang leaked sa internet patungkol  2021 MVP & NBA Awards Vote Tracker na kung saan ang pinakita ang mga official vote na nilabas ng media sa kanilang website ta mga social media pero sa ngayon ay ay kinokonsidera na nating unofficial ito para sa mga NBA player finalist. Pero kung papansinin ay halos pareho ito sa mga inilabas na name of finalist ng NBA.


Ang 6th of the Year award ay pinangungunahan ng ating kababayan na si Jordan Clarkson at ang kanyang team mate na si Joe Ingles kasama rin dyan ang dating MVP na si Derrick Rose. Ang Utah Jazz teammates Clarkson at Ingles ang sinasabing paboritong manalo para sa nasabing award. Ang bad news lang ay mahahati ang boto mukang mas pinapanapaoboran si Ingles sa botohan na inilabas nga nitong Vote Tracker. Kung pagbabasehan ang nasabing tracker ay makikita na lamang si Ingles laban kay Clarkson sa botohan.

Buti na lang at hindi pa ito official count na kinikilala ng NBA, kaya kailangan pa natin abangan ang official announcement ng NBA sa darating na NBA Awards night. Si Clarkson ay may average ng 18.4 points, 4 rebs at 34.7% sa 3pts per game na  siyang pinakamataas sa lahat ng bench players sa season na ito. Si Ingles naman syang tumulong sa team ng Utah Jazz mula sa labas na may average ng 45.1% mula sa 3pt line. Samantalang si Rose naman ay humahabol lamang sa Ikatlong pwesto sapagkat na dumating na sa Knicks na may 35 games na lamang na natitira laro sa regular season at siya ay may average na 14.9 points and 4.2 assists.

Para sa 2021 Defensive Player of the Year naman, pasok sa top 3 finalist itong si Draymond Green, Ben Simmons at Rudy Gobert. Sa tatlong ito, Si Gobert ang paboritong manalo bilang defensive player of the year sapagkat sya rin ang may hawak ng nasabing titulo mula 2018 at 2019. At kung titignan nga naman natin ay isa sya sa naging instrumento para makuha nila ang number 1 seed sa kasalukuyang liga. Kung ating pagbabasehan ang Online 2021 MVP & NBA Awards Vote Tracker eh halos unanimous naman na sya na ang makakakuha ng Defensive Player of the Year.

Dikit-dikit naman ang labanan sa para NBA Most Improved Player award, ito ay pinaglalabanan nila Julius Randle, Jerami Grant at Michael Porter Jr. Walang mag aakala na aakyat para sa No.4 sa Eastern Conference itong New York Knicks, pero pinatunayan ni Julius Randle na kayang nyang bitbitin ang kanyang team para maging isang malakas na contender sa playoff. Hindi nakapagtataka na sya ang paboritong manalo para maging 2021 Most Improved Player award. Kung ating pagbabasehan ang online vote tracker,  ay pumapabor ito kay Randle para makuha niya  ang nasabing award.


watch full video here


Si Charlotte Hornets point guard LaMelo Ball, ang Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards at ang Sacramento Kings guard Tyrese Haliburton ang napiling finalists para sa 2021 NBA Rookie of the Year. Kung ating pagbabasehan ang Online  Vote Tracker ay lamang na lamang itong si  LaMelo Ball laban kay Anthony Edwards at sya ang paboritong manalo para sa 2021 NBA Rookie of the Year.


At sa huli ay itong finalist para sa 2021 Kia NBA MVP at sila ay sina Golden State Warriors point guard Stephen Curry, Philadelphia 76ers center Joel Embiid and Denver Nuggets center Nikola Jokic. Sa kanilang 3 tanging si Curry lang ang may MVP award na nakuha ito ay noong 2015 at 2016 at nitong huli nga ay nakuha nya NBA's scoring leader na nag aaverage ng 32 points, 5.8 assists and 5 rebounds per game. Isang dominanteng sentro naman itong si Embiid para sa season na ito na may average na 28.5 points, 10.6 rebounds, 2.8 assists, 1.4 blocks per game. Siya rin ang nanguna na kanyang team na Sixers para maging overall seed sa Eastern Conference playoff. At siyempre si Jokic na may malakasan na average na 26.4 points, 10.8 rebounds, 8.3 assists and 1.3 steals per game habang may shooting 56.6 percent from the field at 38.8 percent from three point area. Kung ating pagbabasehan ang online vote tracker ay lumalabas na unanimous na ang boto para kay Nikola Jokic para sa 2021 NBA MVP.


Katulad ng sinabi namin kanina ang online tracker na ay isang unofficial voting lamang sa internet at kailangan pa nating antayin ang mismong NBA Awards Night o habang umaandar ang playoff katulad dati ay upang malaman natin kung sino-sino ang mga opisyal na nanalo sa bawat kategorya.





Post a Comment

أحدث أقدم