Lumabas sa mga nakaarang balita na ang Barangay Ginebra ay tuluyan ng lalakas sa pagdating ni Standhardinger at ang Batangpier naman ay magkakaroon ng bagong pag-asa dahil sa pagdating ni Greg Slaughter. 


Sa balitang ito ay tuluyan nang pinayagan PBA Trade Committee para matapos na ang kwento tungkol sa trade ng dalawang bigman. Ang 2017 PBA number one overall draft pick ng NorthPort Batang Pier na si Christian Standhardinger na papunta sa 2020 PBA Bubble Champion na Barangay Ginebra Kings kapalit ang bigman center Greg Slaughter. 


Si Greg Slaughter ay nakapaglaro sa Ginebra franchise sa loob ng walong taon, na may anim na season at nakapagbigay ng apat (4) na kampeonato sa kanyang team. Siya ay ang over-all draft pick noong 2013 PBA Rookie Draft. Nakakuha sya ng Best Player of the Conference (BPC) award at naging five-time PBA All-Star. Siyaay may averaged na 9.7 points and 6.4 rebounds sa kanyang huling season sa Ginebra. Si Slaughter ay ang tinaguriang "Gregzilla" dahil sa kanyang laki at lakas. Siya ay may dugong Cebuano na unang nakaglaro sa University of Visayas bago malipat sa Ateneo de Manila kasama si Kiefer Ravena at magbigay ng 2 kampeonato para sa kanilang five-peat sa UAAP mens basketball.


Naniniwala si Barangay Ginebra coach Time Cone na ang kanyang pagpunta sa Northport ay lalong makapagpapalakas at magbibigay ng mas magandang numero para sa kanyang bagong team. Nagpasalamat din si Tim Cone sa naiimbag nya sa  kampeonato ng Barangay Ginebra.


Samantalang si Christian Standhardinger ay mayroon na rin dalawang nakuhang kampeonato galing sa San Miguel Beermen. Si Standhardinger ay naitrade sa Northport noong 2019 kapalit si Mo TauTuaa na agad naman nyang ipinakita ang kanyang galing sa kanyang bagong  team. Siya ang nanguna sa Batang Pier para makatuntong sa semifinals noong 2019 Governors’ Cup at dito nya nakuha ang kanyang the Best Player of the Conference. Ngunit nitong huling season lang ay sadyang sumadsad ang team na Batang Pier na nakakuha lamang ng isang panalo sa buong liga sa PBA Bubble kahit yan na may halimaw na performance itong si Standhardinger na may average na 19.9 points, 12.0 rebounds, 3.8 assists, at  1.3 steals.


watch full video here

Natuwa naman si coach Tim Cone sa pagdating ni Standhardinger sa GInebra na alam niyang nababagay ang kanyang style ng paglalaro sa Ginebra. Kinumpara din ni coach Tim Cone itong si Standhardinger - Slaughter trade ay katulad sa mga nakalipas na bigman trade sa PBA tulad nil Mon Fernandez-Abet Guidaben, Jerry Codinera-Andy Seigle, at Marlou Aquino-Jun Limpot.


Kung ang mga netizen naman ang ating tatanungin, Kung sino ang nanalo at natalo sa Standhardinger-Slaughter trade deal ito ang kanilang masasabi:





Sa ngayon, ay nakatuon ang atensyon ng Northport para makatungtong sa All-Filipino semis na huling nagawa nila noong Season 41 palang. Samantalang itong Barangay Ginebra ay dedepensahan ang kanilang korona sa 2021 PBA Philippine Cup. 


Yan ang update kung pano mapapalakas ni Christian Standhardinger ang Barangay Ginebra at kung sino ang nanalo at natalo sa naganap na Ginebra-Northport trade. Abangan natin muli kung ano pa kalalabasan ng trade na ito sa paguumpisa ulit ng pambansang liga ng bayan, ang PBA. 


#ChristianStandhardinger #PBAGames #PBARookieDraft2021 #GinebraGrandslam #GregSlaughter #TheBulldozer #Ginebra2021

Post a Comment

أحدث أقدم