Kamakailan lang napabalita nag biglang paglipat ni Calvin Abueva sa Magnolia Hotshots at iniisip pa rin ng marami kung bakit pumayag ang Phoenix Fuelmasters na i-trade itong si Abueva, na halos siya ang kanilang ace player ng Fuelmasters. Alamin natin kung ano-ano ba malalim na dahilan sa trade na ito. Alamin natin kung sino ang nanalo at sino ang natalo sa Calvin Abueva trade deal.
Tuluyang na ngang lumipat ng team ang dating Phoenix Fuelmaster Calvin Abueva o kilala sa tawag na "The Beast" na papunta sa Magnolia Hotshots ayon yan kay Phoenix Fuelmaster Team Manager Paolo Bugia. Si Abueva ay nai-trade sa point guard ng Magnolia Hotshots na si Chris Banchero at dalawang draft picks na magaganap sa March 14, 2021. Bukod kay Banchero ay makakuha pa ng Fuelmasters ang ika-6th at 18th overall pick ng Magnolia Hotshots. Samantalang ang Magnolia ay makakuha pa nang isang player galing sa darating na draft (10th).
Kung matatandaan natin ay si Calvin Abueva ay galing sa mahigit isang taon na pagkakasuspensyon subalit muling nakabalik nitong huli sa PBA Bubble Season kung saan pinakakita nya ang kanyang buong lakas at makakuha pa ng nominasyon bilang Best Player of the Conference sa taong 2020.
Ang "The Beast" ng PBA Calvin Abueva ay mayroong pang best player na numbero na maipagmamalaki siya’y nag aaverage ng 15.4 points, 11.3 rebounds, 5.2 assists, and 1.7 steals sa loob ng limitadong labindalawang laro lamang sa PBA Bubble. Si Calvin Abueva ay binigyan din nag tatlong taong kontrata ng Fuelmasters bago malipat sa Hotshots. Makakasama na nya sa Magnolia itong si Ian Sangalang, Marc Pingris, Justin Melton, Gio Jalalon, Mark Barroca at Paul Lee.
Ano nga ba ang dahilan bakit sila pumayag ang Magnolia Hotshots sa trade ba ito? Una na dyan ay upang lumuwag ang kanila line-up sa small guards, sa ngayon kasi ay may apat na beterano at magagaling na guards ang Magnolia sa pangunguna ni Paul Lee at Mark Barroca.
Sa trade na ito ay nanalo ang Magnolia dahil yan ay upang magkaroon pa ng lalong mahigpit na depensa sa loob at magkaroon katulong kay Paul Lee at Ian Sanggalang sa pagdating sa opensa. Ang Magnolia Hotshots ay pumapangalawa pagdating sa depensa sa buong liga at ang pagkakadagdag kay Abueva at lalong hihigpit pa sa kanilang depensa.
Punta tayo kay Chris Banchero. Kung tutuusin meron na rin magagaling na tagapagdala ng bola itong Pheonix Fuelmasters tulad ni RR Garcia at RJ Jazul, eh bakit nga ba nila kinuha pa si Banchero? Sa totoo lang hindi naman talaga kinuha sya para mabigay opensa o magbigay lang assist sa team kundi nandyan upang depensahan ang mga magagagaling na small guards ng liga tulad nila Jayson Castro at Stanley Pringle. Ito na rin ang kanyang role sa dating team nyang Alaska Aces para pahirapan ang ibang players sa kanilang opensa. Kung matatandaan din natin si coach Topex Robinson at Chris Banchero ay nagkasama na sa Alaska kaya hindi na mahirap sa adjustment sa paglalaro sa court. Si Banhcero ay may record na 11.0 Points, 3.0 rebounds, 3.7 assists at maari pa itong tumaas dahil sa kanyang magiging role sa Phoenix Fuelmasters.
Pero ano nga ba ang dahilan ng Fuelmasters kung bakit nila ibinigay si Abueva para trade na ito. Dito na masasabi nating nanalo din sa trade ang Phoenix sapagkat sa ginawa para makuha nila ang 6th over-all pick darating na draft sa PBA sa March 14. Dito puede na sila makakuha ng isa pang big man na puedeng makatulong sa loob at makatulong din sa opensa. Ito rin kasi ang sinasabing may pinakamalalim na mapagpipilian na players sa darating na draft.
Yan ang update kung pano mapapalakas ni Calvin Abueva ang Magnolia Hotshots. At kung sino ang nanalo at natalo sa naganap na Phoenix-Magnolia trade. Abangan natin muli kung ano pa kalalabasan ng trade na ito sa paguumpisa ulit ng pambansang liga ng bayan, ang PBA. Para sa latest updates ay huwag kalimutan mag "Subscribe", mag "Like" sa aming Youtube channel na Timeout Muna.
watch full video here
#CalvinAbueva #MagnoliaHotshots #ChrisBanchero #PBAGames #PBATrades
إرسال تعليق