Tuluyan na ngang hindi matutuloy ang pagbabalik ni Kai Sotto sa Ignite sa NBA G League. Ayon sa lumabas na balita ng nitong araw lang sa mga sports article websites na hindi na nga makakabalik pa si Kai Sotto sa kanyang dating team na Ignite. Ano kaya ang naging dahilan kung hindi na puedeng makabalik si Kai Sotto sa Ignite sa NBA G League? 


Biglang lumabas sa mga balita ang hindi na makakabalik itong si Kai Sotto sa Ignite sa NBA G League. Dahil yan sa tinatawag na “mutual decision” ng parehong kampo ng Ignite at ni Kai.  Ayon sa presidente ng NBA G-League Shareef Abdul-Rahim na si Kai Sotto ay kailangan dumaan sa napakarami at mabusising health protocol mapa-lokal man o International. Dagdag pa dyan na na sinusuportahan pa rin ng liga (NBA D League) na makapasok siya (Kai) sa professional basketball na NBA.





Kung matatandaan natin na noong Februrary 2 lamang ay umuwi ng Pilipinas itong si Kai Sotto upang  makasama sa build-up team ng Gilas Team  sa isang “Bubble Setup” sa Calamba, Laguna. 


Subalit lumabas sa balita kamakailan lang at kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na  hindi na matutuloy ang FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa DOHA Qatar dahil yan sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa nasabing bansa.


Sinabi na nga rin ng Ignite coach Brian Shaw, na kahit bumalik pa sa U.S. itong si Kai Sotto, ay hindi nya masisigurado na makakabalik agad si Kai sa Ignite sapagkat kinakailangan pa ng approval ng  mga manggagaling sa management (Ignite).


Ang Ignite ay may hawak na record na 5-3 sa pangunguna ng isa pang  Fil-American Jalen Green. Yan ang update kung biglang hindi na makakabalik si kai Sotto sa Ignite. Abangan natin muli kung ano ang magiging ganap sa career nitong si Kai Sotto sa loob ng NBA G League.


Para sa latest updates ay huwag kalimutan mag subscribe, mag like sa aming Youtube channel. Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lamang sa comment section sa ibaba.



watch the full video


#TimeoutMuna #KaiSottoNBA #GilasPilipinas #KaiSottoIgnite

Post a Comment

أحدث أقدم