March 14, 2021, ay magaganap ang isa sa pinakahihintay at pinaka asam-asam ng manlalaro ng basketball ang makasali at makuha sa darating na PBA Rookie Draft. Dito susubukan ng 97 aspiring draft players na makapasok at makapaglaro sa pambansang liga ng bayan na PBA. Sino kaya ang posibleng maging top over-all pick sa gaganaping PBA rookie draft? at sino-sino kaya ang mga makakasali sa 1st rounder sa darating draft? Anong PBA team unang pipili at anong team ang huli?


Sa kasaysayan ng PBA Draft, itong taon na ito ang pinakamaraming gustong sumubok at umakyat sa larangan ng professional basketball. Mayroong kabuuang 97 players ang nagbabakasakaling makasali sa alinmang koponan sa PBA. Kasama dyan ang mga players galing sa UAAP, NCAA, MPBL at sa ibang pang liga sa bansa. Ito rin ay may  31 Fil-foreign applicants na nag-apply para rookie draft.


Ang mga aspiring draft picks ay pangungunhan nina Jamie Malonzo, Joshua Munzon, at ng mga Fil-Am Jeremiah Gray at Jason Brickman. Sinasabing ang isa sa kanila ang may malaking potential maging  first picked ng Terrafima sa darating na PBA draft pick.


Ang iba pang pang inaaasahan na makasama sa first rounder picks ay sina Jerrick Ahanmisi, Ben Adamos, Franky Johnson, Alvin Pasaol, Santi Santillan, at Larry Muyang. Kasama rin sa matunog na pangalan ang  ilang Gilas members na sina William Navarro, Calvin Oftana, and Jaydee Tungcab ay maaaring makasama sa unang round palang.


watch the full video

Ang koponan na Terrefima Dyip ang unang pipili kasunod nito ang NorthPort Batang Pier at dalawang magkasunod na picks agad ang makukuha ng NLEX Road Warriors. Ang Rain or Shine Elasto Painers sa ikalima, ang Magnolia Hotshots sa ikaanim at Alaska Aces sa pangpito na pipili. Susundan na sila ng San Miguel Beermen, Meralco Bolts, Pheonix Masters, isa pa Northport Batang Pier at sa huli ang huling nagkampeon na Barangay Ginebra Kings. Sa dami ng magagaling na player na nasa Rookie pool ngayon, ay siguradong aabot hangang 3rd rounder ang mapipili ng bawat team.


Sabi nga ni PBA Commissioner Willy Marcial sa kanyang interview kay Noli Eala ay baka umabot pa hanggang 4th round ang pagpili sa mga players at maging  ang  NLEX coach Yeng Guiao ay sinasabing malalim ang magaganap na draft sa March 14, 2021.



For sure, aabot tayo ng third, fourth round para sa akin,” said Marcial in an interview with Noli Eala in his Power and Play program. Ang dami eh, katulad ng mga gagraduate sa UAAP, sa NCAA, ‘yung mga nag-MPBL, at mga nag-Chooks to Go. Sabi nila papasok sila.



Very deep ‘yung ating next draft. Siguro, doon tayo puwedeng bumawi lalo na kapag number three and four tayo,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao.


Yan ang update mula sa darating na 2021 PBA Rookie Draft. Sama sama natin abangan marami pang kaganapan na mangyayari habang papalapit ang nasabing draft picks. Huwag kalimutan mag subscribe sa aming Youtube channel (Timeout Muna) para malaman pa ang iba pang balita sa darating na 2021 PBA Rookie Draft. Pwede nyo rin bisitahin ang aming Facebook page (TimeoutMunaTV). Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lang sa comment section sa ibaba.


#TimeoutMuna #PBARookieDraft2021

Post a Comment

أحدث أقدم