Sa wakas pagkatapos ng 8 taon ay naputol na rin ang sumpa, ito ay pagkatapos matalo ng ating Gilas Pilipinas ang ating mga Oppa at ka-BTS friends na Team Korea. Itinira ni Sam Josef Belangel  ang game-winning three para sa buzzer beater mula sa kanyang naglalagalab na kamay para matalo ang  Korea sa score na 81-78. Mabuti na lang at hindi talaga BTS ang tinalo ng Gilas Pilipinas baka ang buong Army ay lusubin tayo.

Balik tayo sa usapang FIBA. Dahil sa panalong ito, ang Gilas Pilipinas nalagay sa isang magandang puwesto para sa 2021 Fiba Asia Cup na gaganapin sa sa Indonesia sa darating na August. Tara panoorin natin ang ilang mga highlights sa nasabing laro.


watch the video here

Ang Gilas Pilipinas ay pinangunahan ni Ramos at Belanguel sa scoring. Samantalang sa Korea naman ay si Guna Ra (29 pts) at si HyunJung Lee (15pts) ang bumuhat para sa kanilang team. So sa mga hater at hindi naniniwala na mananalo ang ating Gilias Plipinas sa mga hot shooting na Team Korea. ito ang masasabi namin sa inyo! Yan ang update sa kakatapos lang na nasabing laban ang ating Gilas Pilipinas laban sa ating mga Team Korea. 

Post a Comment

Previous Post Next Post