Bilib talaga ako sa mga Pilipino sapagkat sila napakabukod-tangi. Ilan sa mga palatandaang Pinoy ka kung ikaw proud sa sa ating pambansang kamao Manny Pacquaio sa boxing, mahilig mag videoke kung saan saan, mahilig kumain ng kung ano ano sa kalye, manood ng basketball sa tv, at subaybayan ang paborito nating teleserye. Kung noon ay may “ALDUB” ni Maine Mendoza at Alden Richards ay meron naman Luka Doncic at Ashley Moyer Gleich sa NBA na sinusubaybayan rin ng pinoy basketball fans.

Sino nga ba si Luka Doncic, sya lang naman ang isang matangkad, gwapo at  magaling na basketbolista sa NBA. Siya rin ang star player ng Dallas Mavericks. 

Kung ating pagmamasdan mabuti Si NBA Referee Ashley ay nahahawig sa maraming mga kilalang celerities isa na dyan ang GMA KApuso Primetime Queen Marian Rivera, at sinasabi rin na nahahawig din sya sa isa pang kapuso host Iya Villania. Sa mga International naman ay nahahawig din sya sa isang kilalang artista na si Gal Gadot o mas kilala natin bilag si Wonder Woman. 

Balikan natin saglit ang pangyayari kung paano ba nagsimula ang viral na video ito. Ating makikita sa isang video clips na lumapit itong si Luka sa isang babae referee at ito nga si referee Ashley Moyer Glich. Sa tagpong ito at unang nagsalita si Luka at sumagot naman “what foul, what foul” si ref Ashley?, hindi nga lang malinaw o narining ang sinabi ni Luka pero sa tamis at ganda ng ngiti ni ref ay siguradong may sinabi itong Luka na nagpakilig sa kanya. Dito nag simula ang trending memes, videos at pictures ng dalawa kasama na dyan nag trend ang salitang “Fouling In-Love with you”. 

watch the part 1 of video here

Dahil dyan ay binantayan na mga NBA media sa ibang bansa at maging ang ating pinoy fans kung ano nga bang meron itong si Referee Ashley at meron syang parang magnet sa mga NBA players. Hindi naman kaya maselos ang ating lodi na si Luka Doncic?

Isang halimbawa dyan sa isang game ng 76ers ay nahagip nga camera sikat na center ng si Dwight Howard na masarap na nakikipagkwentuhan kay Referee Ashley. 

Sa isang tagpo, ay galing sa inbound itong si Draymond Green pero sa hindi malamang dahilan ay muntik pang ma violation ito si Green na kung ating titignan kundi nagulat itong si Green sa lakas ng pito’ (whistle) si Referee Ashley ay baka nabighani din sa kagandahan ng NBA Referee. 

watch the part 2 video here

Pero Timeout Muna, kahit ano namang pagpapacute ng sinoman kay Referee Ashley ay balewala na ito sa kanya sapagkat sa totoong buhay kasi, ipinakilala na Referee Ashely ang kanyang asawa na si Johnee Gleich, isang contractor at NCAA referee. Samatalang si Luka naman may meron nang long-time grilfriend na si Anamaria Goltes. Kaya wag na tayong umasa na magkakaroon pa ng magic kay Luka at kay referee Ashley.

Yan ang update sa trending  Kwentong Selosan sa  I'm Foul-in-Love with You Series ni Luka Doncic at Referee Ashley. Subaybayan natin ang ibang pang kaganapan sa serye.

Post a Comment

Previous Post Next Post