Kumalat na nga at nag trend na sa mundo ng basketball ang sinasabing game fixing o pagbebenta ng laro na nangyari sa isang baguhang liga ang Pilipinas VisMin Cup, na kung saan involve ang players, staff at coaches ng Siquijor Mystics at ang Lapu Lapu Heroes.
Anong mga parusa o multa ang ipinataw sa kanila ng organisasyon nang nasabing liga? at sino-sino ang mga involve sa nasabing laro? Ayon sa Pilipinas VisMin Cup COO Rocky Chan ay ipinagmumulta at pinagsususpinde ang mga involved sa Mystics and Heroes game matapos yan sa maanomalya na laro. Tuluyan na nga sinipa sa VisMin Super Cup ang koponan na Siquijor Mystics noong nakaarang hwebes pagkatapos nang napalalaking kontrobersyang kinasasakutan nito laban sa team na Lapu Lapu Heroes. Ito ay matapos mareview at madesisyunan ng VisMin officials at ng Games and Amusement Board o GAB noong Miyerkules palang ng gabi.
Nilinaw at binigyang diin din naman ni Chan na walang katotohanan na sinasabi na ang sinisisi ay ang madulas na bola sa nasabing laro. Hindi na rin hiningian ng pagpapaliwanag ang lahat ng mga nasangkot sa sinasabing anomalya sa nasabing laro.
Ayon din kay Chan ay agad nyang pinawawalang-bisa ang lahat ng laro ng Siquijor Mystics at pinagbabawalang makatuntong muli ang lahat ng coaches, players at ang lahat ng mga bumubuo sa koponang ito sa nasabing liga.
Ang Lapu-Lapu Heroes head naman na si coach Francis Auquico ay pinagmumulta ng P30,000 at pinasuspinde hanggang buong first round nito. Samantala pinagmumulta naman ng P20,000 sa mga staff ng Heroes na sina Roger Justin Potot, Jon Carlo Nuyles, Hamilton Tundag, Jerry Abuyador at Alex Cainglet.
Pinatawan din ng multa ang player na si Rendell Senining ng P15,000 at suspendido sa kabuuan ng tournament. Sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, and Ferdinand Lusdoc ay suspendido sa unang round at pinagmumulta rin ng P15,000.
Ang mga miyembro naman ng Siquijor Mystics ay pinagbabawalang muling makapasok sa liga na pinangngunahan ni head coach Joel Palapal, assistant coach Magenelio Padrigao, at mga players nito na sina Ryan Buenafe, Jan Cendric Penaflor, Gene Belleza, Michael John Calomot, Frederick Rodriguez, Jopet Quiro, Isagani Tangcay Gooc, Miguel Corro Castellano, Juan Andre Aspiras, Desmore Joshua Alcober, Vincent Tangcay, John Peter Buenafe, and Michael Sereno.
Agad din naman humingi ng tawad o dispensa ang VisMin Super Cup COO Rocky Chan sa lahat ng fans, sponsors at sa lahat na sumusuporta sa laro ng basketball sa ating bansa. At dahil din dyan ay agad papatawan ng one million pesos (P 1,000,0000) at pagkakasipa sa liga ang sinomang masasangkot katulad sa nasabing violation, ito ay upang huwag na maulit muli ang insidente sa liga. Binigyang din din ni Chan at sinabi na sana huwag nang babuyin o sirain pa, kasi ito ay tinayo upang makapagbigay ng trabaho sa mga player, coaches at maging sa mga staff ng bawat koponan.
Yan ang update tungkol sa maanomalyang laro sa VisMins Cup sa pagitan ng laban ng Squijor Mystics and Lapu-Lapu Heroes. Abangan natin ang iba pang kaganapan na tungkol sa balitang ito, dito lang sa Timeout Muna.
EDITOR'S NOTE:
"Sa gitna ng pandemya na maraming walang trabaho, ay nabigyan sila ng hanapbuhay para mapakain nila pamilya nila tapos hindi nila ayusin at ng masama pa ay binaboy pa. Maraming gustong makasali at maka paglaro sa ganyang paliga. Hindi ba nila naisip na walang collegiate league ngayon, walang PBA, walang PBL D-League, walang walang MPBL, tanging sila lang ang pinapanood ng pinoy basketball fans tapos ganito pa ang isusukli nila sa mga taong nanonood at naniniwala sa kanila. “
#VisMinCup #VisMinGameFixing #TimeoutMuna
Post a Comment