Ilang linggo na rin ang lumipas mula ng ganapin ang 2021 PBA Rookie Draft, at halos lahat na ng first rounder overall picks ay pumirma ng kontrata. Pero TImeout Muna, Mukhang hindi pa nagkakasundo ang TNT Tropang Gigas at ang itong si Mikey Williams na sinasabing humihingi daw nga napakalaking sahod ang nasabing rookie. 


Ang TNT Tropang Giga sa pangunguna ni Manny Pangilinan na hindi na nawalan ng sakit ng ulo sa mga katulad ni Ray Parks Jr. na humihingi ng malaking sahod kahit wala pang masyadong napapatunayan at naambag  sa team ng TNT Tropang Giga. Pagkatapos ito nanaman ang kanilang bagong draft na si Mikey Williams ay humihingi ng malaking demand para sa kanyang kontrata sa TNT Tropa Giga.


Pero hindi nya puedeng makuha ito sapagkat lalabag ito sa rookie salary capped sa PBA, ang bawat rookie ay mayroon lamang hanggang maximum of P200,000 kada buwan na sahod para sa isang rookie. Kahit binigay na ng TNT Tropa ng maximum roookie salary kay Williams ay tinanggihan parin nya ito.


Ang six feet and two inches na si MIkey Williams ay dating nakapaglaro sa NBA G League  at  sa  Saigon Heat sa ASEAN Basketball League at ang huli nga ay Gensan Warrios sa MPBL noong nakaraang taon. Ayon sa lumabas na balita, kaya niya tinatanggihan ang alok na sahod ng TNT Tropng GIga na P200,000 ay sadyang maliit ito kumpara sa kanyang sinasahod sa MPBL na umaabot ng P300,000 hindi pa kasama ang mga extra bonuses nito. (source: spin.ph)


Para sa katulad ni Mikey Williams, ang P200,000 na sahod kada buwan ay sadyang mallit para sa katulad nyang dekalibreng basketball player na kung makakapaglaro siya sa labas ng bansa ay mas malaking sahod ang kanyang makukuha.


Ang isang halimbawa na dyan ay itong si Thirdy Ravena na ngayon ay naglalaro sa San-en NeoPhoenix sa B. League sa bansang Japan, na kung tutuusin ay sya dapat ngayon ay nasa PBA naglalaro. Maaring naging factor ang malaking salary offer na ibinigay ng San-en NeoPhoenix kaya mas pinili nya maglaro dito kaysa sa PBA.


Maaring ganito rin ang dahilan kaya humihingi ng malaking salary demand itong si Ray Parks Jr. sa kanyang dating team na TNT Tropang Giga. Dahil kung matatandaan din natin ay nanggaling sa ABL itong si Parks at sa MPBL sa kanyang dating team na Mandaluyong El Tigre bago sya pumasok sa PBA.


Panoorin ang buong video


Pagbubukas ng 46th Season ng PBA


Samantala, dahil sa patuloy na paglaganap ng covid-19 sa ating bansa ay tuluyang na ngang nadidiskaril ang opening ng PBA. Ayon sa balita, ang PBA 46th season ay maaring ganapin na sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng bubble or semi bubble set-up.


Ang plano ng PBA management ay  siguraduhin na ligtas ang lahat kaya bago magsimula ay ninanais na pabakunahan muna ang lahat bumubuo sa PBA mula sa mga players, coaches, at staffs hanggang sa management nito. Maaaring pasimulan ang liga sa huling linggo ng Mayo or buwan ng June.


#MikeyWilliams #PBA #ThirdyRavena #TNTTropangGiga

Post a Comment

Previous Post Next Post