Si Jordan Taylor Clarkson ay ipinanganak noong June 7, 1992. Siya ay ang 46th overall pick ng Washington Wizards sa 2014 NBA draft at agad-agad naman nai-trade sa Los Angeles Lakers sa kapareho ring taon. Si Jordan Clarkson ay may dugong pinoy sapagkat siya ay apo ni Marcelina Tullao Kingsolver, na isang tubong kapampangan mula sa Bacolor, Pampanga.
Noong 2018, ay unang nakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Clarkson para lumaban sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia. Hindi naman sinuwerte sa unang dalawang laro ang Gilas Pilipnas kalaban ang powerhouse China at sweet-shooting Korea, subalit bumawi at tinambakan ang bansang Japan at Syria para makuha ang ikalimang pwesto sa ranking na siyang pinakamataas na nakuha ng Pilipinas sa loob ng labing-anim (16) na taon.
Siya ay pumirma ng kontrata sa Los Angeles Lakers noong 2014. Siya rin ay napabilang sa NBA All-Rookie First Team noong 2015. Nakasama rin ni Clarkson ang hall of famer at ang NBA legend Kobe Bryant sa kanyang career sa Lakers.
Noong 2018, ay naitrade itong si Clarkson sa Cleveland Cavaliers kasama si Larry Nance Jr. kapalit si Isaiah Thomas, si Channing Frye at ang 2018 first round pick. Ang Cleveland Cavaliers sa pangunguna ni Lebron James kasama si CLarkson ay nakarating sa NBA Finals subalit yumuko sa four (4) game sweep sa Golden States Warriors.
November 2019 naman nag na-itrade itong si Clarkson sa Utah Jazz kapalit itong si Dante Exum at and dalawang (2) future second-round picks. Sa season na ito, ang Utah Jazz ang nangunguna na sa liga ng NBA at sinasabing itong si Jordan Clarkson ay siyang paboritong manalo bilang 6th Man of the Year award sa NBA.
#JordanClarkson6thMan JordanClarsonHighlights #JordanClarksonNBA #JordanClarkson2021
details source: www.wikipedia.com
Post a Comment