Lagpas na ng kalahati ang NBA 2021 Season at ang karera sa NBA MVP ay lalong sumiskip at humihirap. Sinasabi nila na halos nasa kamay na ni Lebron James ang kanyang ika-limang MVP ng kanyang career sa NBA. Kasunod naman ni Lebron James ang Denver Nuggets center Nikola Jokic. Pero Timeout Muna, sino itong napabalitang biglang umakyat sa karera ng NBA 2021 NBA MVP?


Umpisahan natin kay Donovan Mitchell ng Utah Jazz na ang kanyang team sa ngayon ay nangnguna sa buong liga ng NBA. Kasama nya ang defensive bigman center na Rudy Gobert at ang top candidate ng 6th man of the year at ang ating kababayan na Jordan Clarkson. Si Mitchell ay nakasali sa nakaraang All-Star Game kasama ang ibang NBA Stars at sumali rin sa Three-Point Contest. 


10. Donovan Mitchell, Utah Jazz

Season Stats:

  • 24.7 ppg, 4.7 rpg, 5.4 apg,
  • 1st place in the Western Conference (27-9)


Nasa ika-siyam na pwesto ang “The ClawKawhi Leonard ng LA Clippers. Galing pa sa All-Star Game at sa three-game losing streak ay tinalo naman kanyang koponan ang Golden State Warriors. Gumawa si Kawhi ng 27 pts., 9 rebounds at may limang 3pts. samatalang si Paul George ay may game-high 32 pts. para tambakan ang team ni Stephen Curry sa score na 130-104.


9. Kawhi Leonard, LA Clippers

Season Stats:

  • 26.6 ppg, 6.3 rpg, 4.9 apg,
  • 4th place in the Western Conference (25-14)


Nasa ika-walong pwesto naman itong si “The BeardJames Harden ng Brooklyn Nets. Sa pagkakadagdag ni Blake Griifin sa team ng Nets, ay sila na ngayon ang tinaguriang “Powerhouse Team” ng liga at ang paboritong magchampion ngayong season. Samatalang sa pagkakadagdag din ni Griffin sa Brooklyn ay baka lubusan ng maapektuhan pababa ang performance ni James Harden.


8. James Harden

Season Stats:

  • 25.3 ppg, 7.8 rpg, 11.1 apg
  • 2nd place in the Eastern Conference (24-13)


Sa ikapitong pwesto ang 2-time MVP at ang tinaguriang “The Greek FreakGiannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks. Siya rin ang naging MVP sa kakatapos lang na NBA All-Star Game, si Giannis ay umiskor lang naman ng 35 points at perfect sa field goals na 16-of-16 kasama pa ang seven rebounds, three assists, one steal and one block. Nitong huling laban lang ng Bucks ay gumawa ang reigning MVP ng panibagong triple-double na may numerong 24 points, 10 rebounds and 10 assists nang kanyang padapain ang New York Knicks.


7. Giannis Antetokounmpo, Milwaukee Bucks

Season Stats:

  • 29.0 ppg, 11.7 rpg, 5.9 apg
  • 3rd place in the Eastern Conference (24-14)


Pasok sa ika-anim na pwesto itong si Stephen Curry ng Golden State Warriors. Sa kalagayan ngayon ng Warriors sa ika-10 pwesto ay hindi na kailangan pang magrelax itong 2-time MVP ng liga. Sila din ay natalo nitong huling laro nila laban sa tropa nila Kawhi Leonard at Paul George ng Clippers sa score na 130-104.


6. Stephen Curry, Golden State Warriors

Season Stats:

  • 29.7 ppg, 5.5 rpg, 6.3 apg
  • 10th place in the Western Conference (19-19)


Nasa ikalimang pwesto naman ang Dallas Mavericks star Luka Doncic. Sa ngayon ay nagpapagaling itong si Luka sa kanyang right ankle injury kasama nya ang kanyang ka co-star Kristaps Porzingis na may right knee injury. Dahil sa mga injury na to ay natalo na ng dalawang sunod ang Dallas mula sa Spurs at sa Thunders. Kasama na rin dyan ang pagbaba ng stats ni Luka para sa karera sa MVP. Sila ngayon ay nasa ika-walong pwesto sa Western Conference.


5. Luka Doncic, Dallas Mavericks

Season Stats:

  • 28.6 ppg, 8.4 rpg, 9.0 apg
  • 8th place in the Western Conference (19-16)
watch full video here

Umakyat naman sa ikaapat na pwesto si Damian Lilliard ng Portland Trailblazers. Si Damian ay tumapos ng 30 points, seven rebounds and eight assists para Blazers ngunit kinapos ang kanyang team kay Devin Booker ng Phoenix Suns. Dikit lang ang laban nung haftime at nakuha pa lumamang ng blazers sa 3rd quarter pero nagpaulan ng 16-5 run ang Phoenix Suns para makontrol ang laban sa score na 106–99. Panalo ang Suns.


4. Damian Lillard, Portland Trail Blazers

Season Stats:

  • 29.8 ppg, 4.3 rpg, 8.0 apg
  • 6th place in the Western Conference (21-15)


Bumagsak naman sa ikatlong pwesto ang “The King” ng basketball, ang Lakers star Lebron James. Galing sa umero uno at paboritong manalo para sa kanyang ika-limang MVP sa kanyang career, pero mukang nawawala pa sa kanyang kamay ang tropeong ito. Dahil na rin yan sa mga lalong lumalakas at tumitinding NBA players na kasabay nya masungit ang MVP trophy. Wala pa rin kupas ang 36 years old na Lebron na patuloy pa rin sa pagbibigay ng mga mala MVP na stats. Kahit wala ang kanyang partner na si Anthony Davis dahil sa injury ay pinapangunahan nya parin ang matinding depensa ng Lakers. 


3. LeBron James, Los Angeles Lakers

Season Stats:

  • 25.8 ppg, 8.9 rpg, 7.8 apg
  • 3rd place in the Western Conference (24-13)


Nanatili sa ikalawang pwesto ang “The Joker” ng Denver Nuggets na Nikola Jokic. Sa ngayon ang Nuggets ay nasa ikaanim na pwesto sa pangunguna ng mala-halimaw na opensa at rebounds ni Jokic, dagdag pa dyan ang 8.6 assist per game at may 41% na three-points na galing sa labas. Noong nakaraang Linggo lamang ay nakuha ni Jokic ang kanyang ika-50th triple-double sa kanyang career nang talunin nila ang Milwaukee Bucks. Tanging si Jokic at Wilt Chamberlain lamang ang nasa centers position sa NBA history na may total na 50 o higit pa na triple-doubles sa kanilang career.


2. Nikola Jokic, Denver Nuggets

Season Stats:

  • 27.1 ppg, 11.0 rpg, 8.6 apg
  • 6th place in the Western Conference (24-13)


At ang bagong nangunguna sa NBA MVP race para sa taong 2021 ay ang bigman center ng Philadelphia 76ers na si Joel Embiid. Hindi nakapaglaro ni Embiid unang anim na laro sa loob ng 36 games ng 76ers sa season na ito, pero nagawa nyang makagawa ng mala MVP na stats 30.2 PPG, 11.6 RPG, and 3.3 APG. na nagresulta sa kanyang team na 76ers sa tuktok ng Eastern Conference. Sya rin ang may pinakamaraming free throw attempt sa kanino mang NBA player sa season na ito. Isa rin sya sa Top-defensive player sa liga ngayon at best player sa Eastern Conference. Ang ating number one contender sa MVP race na si Joel Embiid ay may season average na...


1. Joel Embiid, Philadelphia 76ers

Season Stats

  • 30.2 ppg, 11.6 rpg, 1.4 bpg
  • 6th place in the Western Conference (21-15)


Yan ang update, kung sino-sino ang nangunguna sa karera upang makuha ang NBA 2021 MVP. Abangan at bisitahin kami muli sa susunod updates kung sino-sino ulit ang makakapasok sa NBA MVP race.


Season statistics is credit to https://www.basketball-reference.com/


#NBATop10MVP #NBAMVP2021 #LebronMVP2021 #JoelEmbiidMVP

Post a Comment

Previous Post Next Post