Dahil sa init ng ulo nitong Draymond Green ay tuluyang nang natalo ang Warriors nung huling laban nila sa Hornets. Mukang siya ang sinisi ng kanyang team sa pagkatalo na ito. Ano kaya ang ang naging dahilan bakit biglang uminit itong si Green na naging resulta ng kailang pagkatalo. 


Sa 1st quarter palang ay humataw na agad ang koponan na Charlotte Hornets. Bigay todo agad si Cody Zeller para maka-score sa loob at binawi agad ni Kelly Oubre Jr. Samantalang ito si Miles Bridges halos ginaya pa si Steph Curry sa side 3 pts dahil sa pagkagat sa mouthpiece. Tinapos naman ni Damion Lee sa pamamagitan ng isang tres mula sa gilid para score na 21-12 lamang ang Hornets.


Sa pagsisimula ng 2nd quarter ay ang former number 1 pick Andrew Wiggins ang ang gumawa unang basket. Lumayo naman ulit ang Hornets sa pamamagitan ng 3pts ni Gordon Hayward. Ngunit nakuha naman agad ng Golden State Warriors ang kalamangan sa score na 30-29 mula sa dakdak ni Kelly Oubre Jr. Oubre Jr.. Isa pang tres at isang malupit na dakdak ang binigay ni Oubre para manatili ang lamang sa Warriors. Samantalang sa isang half-court 3pts ang binato ni Terry Rozier para makalapit sa Warriors para sa score na 47-45, lamang ang Warriors.


Sa pagsisimula ng 3rd Quarter ay agad na uminit itong si Rozier. Isang euro step naman ang iginanti ni Wiggins. Halos nagpalitan ng score ang magkabilang team. Isang malupit na cross-over layup naman ang ginawa ni LaMelo Ball at tinapos ulit ni Rozier ang 3rd quarter sa pamamagitan ulit ng isang 3pts.


Sa last quarter ay halos nagpapalitan lang ng puntos ang magkabilang team. Sa Warriors ay pinangunahan ni Draymond Green at Andrew Wiggins ang opensa at sa Hornets ay si Gordon Hayward at Terry Rozier naman ang gumawa.


Ang pinaka highlight sa nasabing laro ay nasimula sa isang jumpball sa gitna na meron pang natitirang 13.3 seconds  at tagpong ito ay napunta kay Gordon Hayward at agad naman sinubukan kunin ni Draymond Green. Pero sa kasamaang-palad sa para Warriors, ito ay nabigay sa panig ng Hornets ang timeout na hiningi ni hayward. Dahil dito, nay biglang uminit ang ulo nitong Draymond Green at  akmang lulusubin pa ang NBA Official. Siya nabigyan ng ikalawang technical foul at tuluyan nang na-eject sa laro. Samantalang naipasok naman ni Rozier ang dalawang technical free-throw tabla sa score na 100-all. Sa natitira pang 9.3 seconds ay hindi nag aksaya ng oras itong si Terry Rozier bumitaw ng long 2 pts shot  sa gilid na nagresulta ang 102-100 panalo ang Charlotte Hornets.


Gumawa si Rozier ng kabuuang 36 points sa larong ito, at ito’y kanyang ikaapat sunod na laro may 30-points. Samanatalang si Gordon Hayward ay may 13pts at PJ Washington na may 15pts. Sa panig naman ng Warriors ay pinangunahan ni Kelly Oubre Jr. na may 25pts at Andew Wiggins na may 19.


Ayon naman kay Warriors coach Steve Kerr, bagama’t sa pagmamahal Green niya sa larong ito ay isa rin sya sa dahilan ng pagkakabuo ng magandang team ang Warriors ay hindi pa rin naman mapipigilan ang pagkakaroon niya ng init ng ulo sa laro. 


Si Steph Curry ay hindi nakapaglaro bago pa nagsimula ang laban ayon sa official Twitter account ng Warriors. Hindi rin natuloy ang unang bakbakan sana nila LaMelo Ball ng Charlotte Hornets. Ilang minuto bago ang opening tip agad bumalik ang mahinang Steph Curry sa kanyang locker room. Si Mychal Mulder ang pumallit sa kanya sa laro.


Ayon sa twitter ni Anthony Slater ay hindi naman ito connected sa Covid-19 health and safety protocol, kundi sadyang masama lang pakiramdam ng 2 time MVP ng NBA Yan ang dahilan kung bakit panalo na, ay natalo pa ang Warriors dahil sa uminit ng ulo ni Draymond Green.


Para sa latest updates ay huwag kalimutan mag subscribe, mag like sa aming Youtube channel. Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lamang sa comment section sa ibaba.


watch full video here

#TimeoutMuna #StephCurryMVP #GoldenStateWarriors #DraymondGreen

Post a Comment

Previous Post Next Post