Mga ka-timeout lagpas na 20 games ang natatapos ng bawat koponan sa NBA at nasa ika-anim na linggo na ng liga. Alamin natin kung sino sino ang mga nangunguna para maging 2021 NBA MVP. Ayon sa isang website na basketball-reference.com, ay nangunguna sa karera itong bigman center ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic. Sino-sino nga ba ang kasama at nangunguna sa karera ng MVP sa NBA? at ano na nga ang updates sa kanila?
- Umpisahan natin kay Kawhi Leonard ng Los Angels Clippers na nasa ikalimang pwesto. si Leonard ay nag-average ng 24+ points sa loob ng 8 laro.
26.2 ppg, 5.3 rpg, 5.3 apg, 1.9 spg
3rd place in the Western Conference (17-7)
- Sa ika-apat na puwesto ay ang Brooklyn Nets Star Kevin Durant. Sa lingong ito ay 2 beses hindi nakakalaro ang idol nating si Kevin Durant, dahil yan sa Health Safety Protocol na ipinataw ng NBA sa kanya at sa parehong laro ay natalo rin sila ng dalawang sunod.
- Humahabol sa ikatlong pwesto ang bigman center ng Denver Nuggets Nikola Jokic. Si Jokic ay nag average ng double-double sa loob ng 21 games na nilaro nito. Ang bigman center din ikaapat na player sa NBA history na nakapag rehistro ng 500+ points, 200+ rebounds at 150+ assists sa unang dalawampung laro.
6th place in the Western Conference (12-10)
- Humahataw sa ikalawang pwesto ay ang bigman center ng Philadelphia 76ers Joel Embiid. Sa huling laro ng 76ers laban sa Portland Trailblazers ay muntik pa na injured itong si Embiid noong 1st quarter palang. Sa nasabing laro, na-tweaked nya ang kanyang kanan tuhod sa tangkang pag supalpal sa isang play. Buti na lang at hindi naman masyado seryoso ang nasabing injury. Dahil sa pagdomina nitong si Joel Embiid, ang Philadelphia 76ers ngayon ay nagunguna sa Eastern Conference.
1st place in the Eastern Conference (17-7)
- At ang nangunguna, sino pa ba? kundi ang 36yrs. old na ang kasalukyang hari ng NBA basketball - Los Angeles Lakers Lebron James. Sa kasalukuyan, si King James kasi ay meron ng hawak na 4 na MVP at sa ganda ng nilalaro nya hindi naman siguro masama kung dagdagan pa ng isa diba? ayon sa website na Insidesport.co ay nangunguna na si Lerbron James para sa NBA MVP at ganun din ang laman ng balita ng website na si.com si KIng James din ang favorite candidate para sa MVP at ito rin ang isinulat ni Michael Wright sa kanyang article sa nba.com website.
25.0 ppg, 7.7 rpg, 7.5 apg
2nd place in the Eastern Conference (18-6)
At ang iba pang nasa listahan na umaakyat sa pagiging MVP ay ang sumusunod:
7. Paul George, LA Clippers
8. Luka Donci, Dallas Mavericks
9. Stephen Curry, Golden State Warriors
9. Damian Lillard, Portland Trail Blazers
10. Jayson Tatum, Boston Celtics
Yan ang update, kung sino sino ang nangunguna sa karera upang makuha ang MVP sa NBA. Abangan kami muli sa susunod kung sino-sino ulit ang makakapasok sa MVP race. Huwag kalimutan mag subscribe sa aming Youtube channel (Timeout Muna) para malaman pa ang iba pang balita sa magiging NBA MVP. Pwede nyo rin bisitahin ang aming Facebook page (TimeoutMunaTV). Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lang sa comment section sa ibaba.
incoming terms: Lebron James 2021 MVP, NBA MVP Race 2021, Timeout Muna Basketball Channel
Post a Comment