Ilang linggo lang ang lumipas ng bumalik sa Pilipinas itong seven-footer na future NBA Player na si Kai Sotto at ito’y upang makapaghanda kasama ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Qualifiers, pero Timeout Muna ano itong lumabas na balita na bigla na lang siya babalik sa Amerika at ituloy ang ang kanyang career sa team ng Ignite sa NBA G League? Iiwan na ba nya talaga ang kanyang Gilas Pilipinas? Ano ang naging dahilan at bigla sya lilipad pabalik sa Amerika?
Tuluyan na ngang hindi maglalaro si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas para 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Ayon yan sa Director for Operations ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Butch Antonio na si Kai Sotto ng babalik na ng US para ituloy ang kanyang naudulot na career sa NBA G League bubble sa kanyang team na Ignite.
Sa ngayon ay tinatapos na lang ni Kai Sotto ang kanyang clearance sa self-quarantine protocol para makabalik na sa US.
Kung matatandaan natin na noong Februrary 2 lamang ay umuwi ng Pilipinas itong si Kai Sotto upang makasama sa build-up team ng Gilas Team sa isang “Bubble Setup” sa Calamba Laguna at upang makalaro sa natitirang tatlong laro ng Gilas sa FIBA Qualifiers. Ang koponan ng Gilas ay nakatakdang labanan ng 2 beses ang Korea at isa sa naman sa Indonesia.
Subalit lumabas sa balita kamakailan lang at kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hindi na matutuloy ang FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa DOHA Qatar dahil yan sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa nasabing bansa. Ang Gilas Pilipinas ay dapat lilipad na sana papuntang Doha, Qatar nitong weekend. Naapektuhan din ang mga schedule ng laban sa Group B kasama ang China, Japan, Chinese Taipei, and Malaysia; at ang Group E Iran, Syria, Saudi Arabia, and host Qatar.
Balik tayo usapang Kai Sotto, Ayon kay Butch Antonio na bagamat hindi man natuloy ang paglalaro nya sa Gilas ay pinuri pa rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas itong si Kai Sotto dahil na rin sa kanyang dedikasyon makapaglaro sa Gilas. Dagdag pa nya na “basta kailangan siya (Kai) ng ating bayan, di niya tatanggihan at di niya tatalikuran ang kanyang obligasyon para i-represent ang ating bayan kasama ang national team".
Samantala, si Ignite coach Brain Shaw ay inaasahan na makakabalik na US itong si Kai Sotto sa mga darating na araw ay kinakailangan pa rin nyang dumaan sa panibagong pitong (7) araw na self-quarantine alinsunod sa US Center for Disease Control and Prevention guidelines. Ang pinakamaaga nyang petsa na pwedeng makakapasok sa bubble sa Orlando ay sa Feb. 23 pa at kailangan pa nyang hindi baba ng 10 laro para magkaroon ng magandang playing time sa team ng Ignite. Sa ngayonn ang Ignite may record na 3-0 sa G League.
Yan ang update kung ano ang dahilan ng biglang pag-iwan Kai Sotto sa Gilas Pilipinas. Abangan natin muli kung ano ang magiging ganap sa career nitong si Kai Sotto sa loob ng NBA G League. Para sa latest updates ay huwag kalimutan mag subscribe, mag like sa aming Youtube channel. Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lamang sa comment section sa ibaba.
#TimeoutMuna #KaiSottoNBA #GilasPilipinas
Post a Comment