Sa kasaysayan ng liga ng basketball sa america o sa kilala bilang NBA, Alam mo ba kung sino ang kauna-unahang may dugong Pilipino na nakapaglaro sa NBA? Sa anong team kaya sya nakasama? Sino-sino pa kaya ang sumunod sa kanya na nakapaglaro na sa nasabing liga? tara kilalanin sila!
Sa panahon ngayon, kung tatanungin ang isang pinoy kung sino ang unang Pilipino na nakapaglaro na sa NBA, ay agad niyang sasagutin na si Jordan Clarkson ng Utah Jazz pero Pero “Timeout Muna” ang hindi natin alam ay may nauna pa sa kanya.
Sino nga ba ang unang may dugong Pilipino ang nakapaglaro na sa NBA? sya ay walang-iba kundi si Raymond Anthony Townsend.
Si Raymond Townsend ay isang professional Filipino American basketball player na nakapaglaro sa NBA sa loob ng tatlong taon. Sya rin ay naglaro sa UCLA Bruins noong sya ay nasa kolehiyo pa. Taong 1978 nang pumasok si Townsend sa NBA Draft at agad naman siyang nakuha sa 22nd overall pick ng Golden State Warriors bago nalipat sa Indiana Pacers.
image credit to Raymond Townsend Facebook |
Dahil dito sya ang kauna-unahang may dugong Pilipino na nakapasok at nakapaglaro sa NBA. Tulad ni Steph Curry, si Raymond Townsend ay naglaro bilang point guard sa Golden Warriors. At sa pagpapatuloy ng kanyang career sa NBA noong 1982, si Townsend ay nalipat naman sa Team ng Indiana Pacers.
Sa tatlong taon nya sa NBA sa mga naging kanyang koponan, si Raymond ay nakapag average ng 4.8 points, 1.0 rebounds, and 1.4 assists sa loob ng 154 regular season games.
Si Raymond ay anak ng isang Pilipina na tubong Balayann, Batangas na si Virginia Marella at ng isang amerikanong si Ray Sr.
Noong May 2, 2009, Si Raymond Towsend din naman ay kinilala din bilang Distinguished Alumnus of the Year ng UCLA Filipino Association. Ang UCLA kung saan nagpag-aral at nakapaglaro si Raymond ay nakilala rin sa mga magagaling na basketbolista tulad nila Kareem Abdul Jabbar, Reggie MIller, Russel Westbrook at marami pang iba.
Sa kasalukuyan si Jordan Clarkson naman ang tanging may dugong pinoy na namamayagpag sa NBA sa ngayon. Si Clarkson naman ay 46th over-all draft pick ng Washington Wizards noong 2014.
Nakapaglaro din sya sa LA Lakers kasama ang NBA legend Kobe Bryant, sa Cleveland Cavaliers kasama si The King Lebron James at nitong huli naman ay sa Utaz Jazz. Si Jordan apo ng Pilipina na tubong Bacoor, Pampanga na si Marcelina Tullao-Kingsolver
Ang isa pang mahigpit naman na binabatayan ang 7 feet 3 inches purong pinoy na si Kai Sotto, siya naman ang anak ng isang dating PBA Player na si Ervin Sotto. Samantalang sina Remy Martin and Jalen Green naman ang dalawa pang Fil-Am player ang gusto rin makatungtong sa NBA sa mga darating na panahon.
So yan ang update mula sa unang pinoy na nakalaro sa NBA sa si Raymond Anthony Townsend at sa mga aabangan pa ating Inspiring future NBA players. Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lang sa comment section sa ibaba.
Post a Comment