Mga ka-Timeout, mukang ang Brooklyn Nets ay nagahahanap pa ng isa pang Bigman a ang isang pangalan na lumutang ay itong Cleveland Center na Kevin Love. Ayon sa Tweet ni Jason Dumas, ang Brooklyn Nets ay nakikipag-usap sa Cleveland para makuha si Javale Mcgee, pero nakkakuha ng kanilang pansin ay itong injured at pabalik na paglalaro Kevin Love. Ayon din sa report na maaaring nilang i-negotiate na kung puedeng si Andre Drummond o kaya’y pareho silang makuha ng Nets.
Kung matatandaan, si Love ay nakasama na ni Durant at Harden noong makakateam mate sila sa Team USA sa nakaaraang 2012 Olympic na kung saan nanalo sila ng gintong medalya. Sa nilalaro ngayon ng Net, ay inaamin naman ng kanilang head coach Steve Nash na wala silang masyadong depensa sa team idagdag mo dyan ang walang kadepedepensang James Harden. Kaya susubukan ng Nets nang Bigman upang mapunuan ang kailangang depensa loob ng court.
Sa kakatapos na laro muling nanalo ang Brookyln Nets laban sa Miami Heat sa iskor na 98-85. Umiskor si Kevin Durant ng 20pts at 13 rebounds, si James Harden naman ay mayroong 20 pts at Kyrie Irving ay gumawa ng 16pts. Samantalang sa Miami Heat, ay nanguna naman si Bam Adebayo may double-double 26 points at 10 rebounds.
Noong Sabado sa unang laban ng Brooklyn Nets sa Miami Heat kung saan nanalo ang Nets sa iskor na 128-124 ay halos makahabol pa at makasilat ang Heat sa pangunguna ng kanilang center Bam Abedayo na naka iskor ng kanyang career high 41 pts.
Sa nasabing laro, si Kevin Durant ay umiskor ng 31 points samantalang si Irving naman ay kumamada 28 points at ang bagong saltang si Harden na may iskor naman na 12 points, 11 assists at seven rebounds. Ito ang unang panalo ng Nets Big 3 mula nang sila pagsama-samahin sa isang team.
Balik tayo sa usapang Kevin Love sa Brooklyn Nets. Kung nais tlagang kunin ng Nets itong si Love say dapat tapatan nila ang collective bargaining agreement ni Love sa halagang $31.2 million sa Cleveland. Samantalang si Drummond ay nasa kanyang huling season sa Cavaliers sa halagang $28.7 million.
Kaya dapat pag-isipan ng Brooklyn nets kung sino ang kukunin nila kasi magtatapon sila nang sangkaterbang dolyares para makuha ang isa sa kanila. Kung halimbawa naman na hindi nila makukuha Cleveland Center, ay maaring kunin ang isa sa mga mas mura at beteranong Javale McGee, Ed Davis, Nerlens Noel or Bismack Biyombo. Wag na tayong magulat kung isa mga ito ay makuha bilang panibagong bigman ng Brooklyn Nets.
Yan ang update, kung saan ang posibleng paglipat ni Kevin Love sa Brooklyn Nets. Para sa latest updates ay huwag kalimutan mag subscribe sa ming Youtube channel at bisitahin ang aming Facebook page nasa link sa ibaba. Kung meron kayong komento o reaksyon ay ilagay lang sa comment section sa ibaba.
incoming terms: kevin love in brookyln nets, brooklyn nets super team
Post a Comment